Home
登录註冊
準備好交易了嗎?
馬上註冊

6 Karaniwang Pagkakamali sa Trading at Paano Ito Maiiwasan

Pakiramdam mo ba ay paikot-ikot ka lang sa trading, paulit-ulit na ginagawa ang parehong pagkakamali? Hindi ka nag-iisa. Maraming trader, lalo na ang mga baguhan, ang nahuhulog sa karaniwang bitag na madaling maiwasan.

  1.  Limitahan ang trades: Magtakda ng iskedyul at panatilihin ang disiplina sa bawat trading session.
  2. Pamahalaan ang risk: Huwag mag-invest ng higit sa 5% ng iyong puhunan sa bawat trade.
  3. Planuhin ang trades: Magkaroon ng estratehiya para sa bawat sektor ng merkado na iyong pinapasukan.
  4. Tanggapin ang pagkalugi: Matuto mula rito nang hindi hinahayaang manaig ang emosyon.
  5. Bigyang-priyoridad ang pagkatuto: Maglaan ng oras para maunawaan ang galaw ng merkado at mga estratehiya.
  6. Lumipat sa totoong trading: Unti-unting mag-transition mula demo patungo sa totoong trading upang maabot ang tunay na potensyal.

Limitahan ang trades

Hindi mahalaga kung gaano karami ang trades mo kundi kung gaano kaganda ang bawat desisyon. Gumawa ng trading schedule at siguraduhing magpahinga rin. Tandaan, kasinghalaga ng pagkilos ang pahinga para sa tuloy-tuloy na tagumpay.

Ed 301, Pic 1

Pamahalaan ang risk

Nakakatukso mang isugal lahat, ngunit base sa karanasan, kadalasan ay nauuwi ito sa pagkalugi imbes na benepisyo. Sundin ang 5% rule para maprotektahan ang iyong puhunan at mas tumagal sa mundo ng trading

Ed 301, Pic 2

Planuhin ang trades

Iwasan ang padalos-dalos na trades. Bawat asset — mula pera hanggang kalakal — ay may sariling galaw at nangangailangan ng natatanging diskarte. Mag-aral, gumawa ng estratehiya, at tumama nang may tiyak na layunin.

Ed 301, Pic 3

Tanggapin ang pagkalugi

Walang trader na laging panalo. Ang pagkalugi ay hindi maiiwasan pero maaaring maging mahalagang pagkakataon upang matuto. Ang susi ay huwag panghinaan ng loob kundi mag-analisa, matuto, at mag-adjust.

Ed 301, Pic 4

Bigyang-priyoridad ang pagkatuto

 Akala ng iba madali lang ang trading, pero nangangailangan ito ng tuloy-tuloy na pag-aaral. Pag-aralan ang galaw ng merkado, dumalo sa mga workshop, at makipag-ugnayan sa komunidad ng mga trader upang mapalalim ang iyong kaalaman.

Ed 301, Pic 5

Lumipat sa totoong trading

Mag-practice muna sa demo account bago lumipat sa totoong trading. Mahalaga ito upang mapagmasdan ang galaw ng asset, makapag-trade nang walang panganib sa puhunan, at mapalakas ang kumpiyansa

Ed 301, Pic 6

I-transform ang iyong trading journey gamit ang anim na pangunahing hakbang na ito, na ginawa para hasain ang iyong diskarte at hubugin ang isang disiplinado, may kaalaman, at istratehikong pag-iisip sa trading. Handa ka na bang gumawa ng mas matalinong trades at makita ang resulta ng iyong mga desisyon sa trading?

準備好交易了嗎?
馬上註冊
ExpertOption

本公司不向澳洲、奧地利、白俄羅斯、比利時、保加利亞、加拿大、克羅埃西亞、塞普勒斯共和國、捷克共和國、丹麥、愛沙尼亞、芬蘭、法國、德國、希臘、匈牙利、冰島、伊朗、愛爾蘭、以色列、義大利、拉脫維亞、列支敦士登、立陶宛、盧森堡、馬爾他、緬甸、荷蘭、紐西蘭、北韓、挪威、波蘭、葡萄牙、波多黎各、羅馬尼亞、俄羅斯、新加坡、斯洛伐克、斯洛維尼亞、南蘇丹、西班牙、蘇丹、瑞典、瑞士、英國、烏克蘭、美國、葉門.

交易員
合作计划
Partners ExpertOption

支付方式

Payment and Withdrawal methods ExpertOption
本网站提供的交易可视为高风险操作,其执行可能涉及重大风险。在买卖网站提供的金融工具和服务时,可能会给您带来显著的投资损失,甚至亏损账户的全部资金。您被授予有限的非独家权利(包含个人、非商业、不可转让的知识产权)使用本网站所提供的服务。
由於EOLabs LLC不受JFSA監管,因此不涉及任何被視為向日本提供金融產品和招攬金融服務的行為,該網站也不面向日本居民。
© 2014–2025 ExpertOption
ExpertOption版权所有。